Pangakong disenteng pabahay nakakataas ng morale sa mga pulis – PNP

policeIkinatuwa ng PNP ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan sila nang mas disenteng pabahay.

Ito ay matapos na tuluyan ng ipaubaya ng pangulo sa mga miyembro ng Kadamay ang mga housing project sa Bulacan na para sana sa mga pulis at sundalo.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos masaya ang kanilang hanay dahil magkakaroon na nang mas maayos at malaking pabahay para sa kanila.

Giit ni Carlos, nakakataas ng morale ang pangakong pagkakaroon ng komportableng pabahay na mayroon nang electricity at water connections.

Excited na aniya silang matirhan ang mga pangakong pabahay na ito ng pangulo lalot mas maliit ang mga pabahay sa mga pulis sa kasalukuyan.

Maghihintay na lamang aniya ang PNP ng announcement mula sa Malacanang kung saan lugar itatayo ang mga bagong housing project para sa mga pulis.

Read more...