Bagong pabahay sa mga pulis at sundalo hindi na maaagaw ng Kadamay

Kadamay PandiTiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na maagaw ng mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang bagong pabahay na ipatatayo para sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa pangulo, may panahon pa naman sa buhay ng mga sundalo at mga pulis para mapagpatayuan ng bagong pabahay na may mas maayos, mas maganda at may tubig at kuryente na.

Paliwanag pa ng pangulo, para maiwasan ang gulo, hayaan na lamang ang kadamay na okupahin ang mga pabahay sa Bulacan.

Malinaw aniya ang kanyang naging warning sa Kadamay na huwag nang manggulo at mang-agaw ng ibang bahay.

Read more...