Demolisyon sa mga istruktura na iligal na nag-ooperate sa Laguna Lake, sinimulan nang ipatupad

LAGUNA LAKE 1
Kuha ni Jun Corona

Sinimulan nang ipatupad ng Laguna Lake Development Authority ang pagbaklas sa mga fishpens at fishcages sa lawa ng Laguna.

Unang sinuyod ng mga taga-LLDA at DENR katuwang ang composite team ng Philippine Maritime Group, Navy Seals at
Philippine Coast Guard ang mga istruktura sa Binangonan at Cardona sa Rizal.

Paglilinaw ni LLDA General Manager Jaime Medina, hindi zero fish pen at zero fish cage ang kanilang ipinatutupad, kundi ang tanggalin lamang ang mga istruktura na mga may paglabag.

Ang hakbang ng LLDA ay salig sa Board Resolution No. 518 na ipinalabas noong February 1,2017.

Unang binaklas ang tig-50 ektaryang fish pen na pag-aari ng kumpanyang Paramount fishing at fishing expedition.

Sampu sa tatlumpung fish pen na pag-aari ng mga malalaking korporasyon ang target ng demolisyon.

Sinasaklawan umano nila ang humigit-kumulang isang libong ektarya sa lawa ng Laguna.

Iginiit ng LLDA na makailang beses nilang inabisuhan ang mga Fishpen operator bago nila ipinatupad ang demolisyon.

Read more...