Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang pahayag.
Ayon kay Abella, kawalan ng tiwala ang naging dahilan ng pagkakasibak kay Sueno.
“President Rodrigo Roa Duterte has dismissed Department of Interior and Local Government Secretary, Mr. Ismail Sueno, citing loss of trust and confidence.” ani Abella.
Ginawa ang pagsibak kay Sueno gabi ng Lunes, sa pagtatapos ng ika-14th cabinet meeting.
Bago ang pagsibak, tinanong muna ng pangulo si Sueno at sinabi na ang naturang summary dismissal ay nagsisilbing babala sa lahat ng cabinetr officials.
Sinabi ni Abella na hindi kailanman sasang-ayon si Pangulong Duterte sa mga kwestyonableng desisyon na gagawin ng sinuman sa mga miyembro ng gabinete.
“The President had earlier asked a few questions of Mr. Sueno but the summary dismissal served as a warning that Mr. Duterte would not countenance any questionable or legally untenable decisions by any member of the Cabinet.” dagdag pa ni Abella.
Sa katunayan aniya, naging isa sa mga nagkumbinsi sa pangulo si Sueno na tumakbo noong nakaraang May 2016 elections.
“The Secretary had, in fact, been instrumental in convincing the President to run for election, but this did not deter the President from pursuing his drive for a trustworthy government by addressing issues like corruption.” pahayag pa ni Abella.
Pero ani Abella, hindi ito sapat na dahilan para hindi sibakin si Sueno lalo pa’t pursigido si Duterte na magpatakbo ng isang mapagkakatiwalaang gobyerno sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyu ng korapsyon.