4th round ng peace talks, natuloy kahit walang bilateral ceasefire

 

Inquirer.net/contributed photo

Natuloy na ang ikaapat na round ng peace talks sa pagitan ng mga kinatawan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines sa The Netherlands.

Ito’y sa kabila ng kawalan ng ceasefire sa pagitan ng dalawang kampo.

Ang bilateral ceasfire ang isa sa apat na kondisyon na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Linggo sana nagsimula ang usapan pangkapayapaan ngunit naudlot ito dahil sa kinailangang ayusin pa ang agendang pag-uusapan.

Kapwa determinado ang dalawang panig na isulong ang peace process at nagkaroon ng concensus na talakayin ang posiblidad ng interim ceasefire agreement sa April 6.

Kapwa nanalig ang GRP at NDF na magkakaroon ng iisang direksyon upang makamit ang inaasam na kapayapaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at pamahalaan sa nalalapit na hinaharap.

Read more...