NLEx naghahanda na sa pagdagsa ng mga motorista sa Holy Week

 

NLEX Photo
NLEX Photo

Naghahanda na ang mga operators ng North Luzon Expressway (NLEx) sa inaasahang exodus ng mga taong magsisi-punta sa mga probinsya sa kasagsagan ng Holy Week.

Ayon sa NLEx, magde-deploy sila ng 800 na tellers, 500 patrol personnel at 68 na sasakyan mula sa April 7 hanggang April 17.

Inaaasahan kasing papalo sa 300,000 ang bilang ng mga sasakyang dadaan sa NLEx bawat araw sa kasagsagan ng Holy Week.

Ayon naman kay NLEx Corp. president Rod Franco, pansamantala nilang bubuksan ang expanded na tatlong lanes nila mula sa Barangay Sta. Rita sa Guiginto, Bulacan hanggang San Fernando City sa Pampanga.

Maglalagay din ng mga motorist camps sa mga gasolinahan na mag-aalok ng libreng tawag, WiFi acces, bottled water at towing services sa mga biyahero.

Maglalagay din sila ng mga karagdagang traffic signs, emergency medical services at 24-hour mechanic service sa mga nasabing gas stations.

Read more...