Ito ang inisyal na pagsisiyasat ng mga tauhan ng PNP Crime Lab na nagsagawa ng initial aassessment sa kanilang kabaro matapos itong maaresto sa aktong gumagamit ng shabu.
Dumaan na sa initial at confirmatory drug test ang naarestong PNP official at kapwa nagpositibo ito.
Paliwanag ni Chief Supt. Aurelio Trampe, dumaranas na ng ‘psychosis’ o pagkahibang si Cabamongan na posibleng dulot ng paggamit ng droga.
Bago naaresto, inireklamo na rin si Cabamongan dahil sa harassment pagsasayaw umano ng hubad at pagtatangkang manood ng libre sa isang sinehan sa isang mall.
Si Cabamongan ang pinakamataas na opisyal ng PNP sa kasalukuyan na nadakip dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Samantala, ipinag-utos na rin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa PNP Crime Laboratory na isalang sa inventory ang mga droga na nasa kustodiya ng Alabang Satellite office na pinamumunuan ni Cabamongan upang matiyak na hindi napapalitan ng ‘tawas’ ang mga ito.