Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na makakaapekto ang amihan sa northern at central Luzon, habang ang tail-end of a cold front naman ang makakaapekto sa panahon sa eastern section ng Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa PAGASA, asahan ang katamtaman at manaka-nakang pagkulog at kidlat sa Visayas, Bicol, Northern Mindanao, Caraga, Davao, at Quezon Province.
Mahinang ulan naman ang inaasahang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos region at Central Luzon.
Maari namang makaranas ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng pulu-pulong pag-ambon.