10 ASG nasawi umano sa artillery fire ng militar sa Sulu

 

Sampung miyembro umano ng bandidong Abu Sayyaf ang nasawi sa suud-sunod na pambobomba ng puwersa ng militar sa kuta ng mga ito sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Major General Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command, ang pagkamatay ng mga Abu Sayyaf ay matapos nilang paulanan ng 105 millimeter howitzer artillery ang pinagtataguan ng mga bandido.

Ang mga ito aniya ang siyang may hawak sa ilang Vietnamese hostage sa bayan ng Talipao.

Nakadiskubre umano ang kanilang tropa ng mga lasug-lasog na katawan sa mga lugar na direktang tinamaan ng bomba.

Gayunman, wala pa aniya silang impormasyon kaugnay sa mga hawak na bihag ng Abu Sayyaf sa kasalukuyan.

Noong Linggo, 32 sundalo ang nasugatan nang makaengkwentro ang ASG sa Bgy. Lao sa bayan ng Talipao.

Apat sa mga ito ang nadala sa ospital samantalang nagtamo ng minor shrapnel wounds ang 28 iba pa.

Read more...