Sa talumpati ng pangulo sa harap ng mga opisyal ng Boy Scout of the Philippines sa Malacañang, sinabi nito na wala na siyang narinig na balita ukol kay Hapilon matapos ipag-utos niyang bombahin ang bahay na pinagkukutaan nito sa Jolo, Sulu may dalawang buwan na ang nakararaan.
Gayunman, hindi isinasantabi ng pangulo ang posibilidad na buhay pa si Hapilon.
Istilo na aniya ng rebeldeng grupo na magpalamig muna matapos ang pag-atake at bigla na lamang lumulutang para muling mambiktima.
Bukod sa pagiging lider ng bandidong grupo, ginawa na rin umanong lider si Hapilon ng ISIS sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, sana ay napuruhan si Hapilon nang magsagawa ng air strike ang militar sa Jolo may dalawang buwan na ang nakararaan.