Isa pang dating PCSO official inabswelto ng Sandiganbayan sa pluder

Sandiganbayan buildingNilinis na ng Sandiganbayan sa kasong plunder ang dating board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na si Ma. Fatima Valdes.

Ang kaso ay kaugnay sa maling paggamit ng pondo ng PCSO noong pangulo pa si ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinagbigyan ng anti-graft court 1st division ang demurrer of evidence ni Valdes, kung saan iginiit nito ang pag-abswelto sa kanya ng mga kapwa-akusado dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Dapat din umanong mag-apply sa kaso ang parehong findings sa kaso ng iba pang miyembro ng PCSO Board na sina Manuel Morato, Jose Taruc at Raymundo Roquero.

Sinang-ayunan ng korte ang argumento ni Valdes dahil magkakapareho lamang ang kinakaharap nilang kaso.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y pakikipagsabwatan ng mga dating PCSO officials kay dating presidente Arroyo upang i-covert ang mahigit P365 Million na intelligence funds para raw sa pansariling pakinabang.

Nauna nang naabswelto si GMA sa naturang kaso.

Dahil naman sa pag-abswelto ng Sandiganbayan kay Valdes, inaalis na rin ang Hold Departure Order laban sa kanya at pinababalik na rin ang bail bond na nagkakahalaga ng P250,000.

Read more...