Duterte bagong Chief Scout ng BSP

Digong Scout2
Photo: Chona Yu

Itinalaga si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Chief Scout ng Boy Scout of the Philippines (BSP) sa isang seremonya na ginanap sa Malacañang.

Pinalitan ni Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino bilang Chief Scout alinsunod na rin sa Presidential Decree 460.

Sa kanyang pahayag ay hinamon ni Duterte ang mga BSP members na maging magandang halimbawa para sa bansa.

Hinimok rin niya ang mga ito na maging mga pulis at sundalo sa hinaharap para maging katuwang sa pagsasa-ayos ng pamahalaan.

Ang nasabing seremonya ay sinaksihan ng mga opisyal ng BSP sa pangunguna ni Atty. Wendell Avisado na siyang bagong talagang National Chairman.

Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi ni Avisado na suportado nila ang antio-drug campaign ng pamahalaan.

Ang BSP ay binubuo ng halos ay 2 milyong mga miyembro at itinuturing na pinakamalaking uniformed youth organization sa bansa.

No show naman sa nasabing event sa Malacañang si dating Vice President Jejomar Binay na siyang immediate past National Chairman ng Boy Scout of the Philippines.

Read more...