Ayon sa pangulo, hindi kailangan na palagpasin ang mga pulis at immigration at custom officers kapag nambiktima ng pasahero sa airport lalo na sa mga overseas filipino workers (OFW).
Pinaghihimutok ng pangulo kapag binubuksan ang bagahe ng mga OFW na kunwari ay sumasailalim sa inspeksyon pero may kinukuhang mga gamit gaya ng pabango, chocolate o iba pa.
Ayon pa sa pangulo, makailang beses na niyang pinakiusapan ang mga ito na palusutin na ang mga OFW na wala namang dalang kontrabando pero kung hindi pa rin aniya tatalima, babrasuhin na ng pangulo ang mga abusadong pulis at custom officers.
Matatandaang una nang nagbanta ang pangulo na ipakakain niya sa mga pulis, immigration at customs officers ang bala kapag may nabiktima pa sa airport ng laglag bala gang.