Dahil sa paparating na Holy week, inaasahang bubuhos ang mga pasaherong luluwas sa kani-kanilang probinsya para gunitain ang Semana Santa.
Kung kaya naman, inaasahan din na mapupuno ang mga bus terminal, seaports at maging ang airports.
Kasabay nito, inirereklamo ng mga pasahero ang mahabang pila sa Immigration counters ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kahapon, araw ng Linggo, maraming pasahero na naabala ang nagreklamo sa mahabang pila sa Immigration counters sa NAIA na nagpatagal bago sila tuluyang makapagcheck-in.
Ayon sa ahensya, labing siyam na Immigration officers ang naka-leave kung kaya nagkulang sila sa manpower.
Sa NAIA Terminal 3, nagdulot din ng mahabang pila sa mga pasaherong may international flight ang kulang na available na Immigration counter.
Kahit pa hindi na umaalis ang mga naka-duty na Immigration officers, hindi pa rin nito kinaya ang volume ng mga pasahero.
Sa pahayag naman ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration, hindi nila mapilit ang iba pang Immigration officers na pumasok lalo na’t nakapag-file na ito ng leave of absence.