Mga pasaherong luluwas ng probinsya ngayong Holy week, dagsa na sa mga bus terminal

BUS TERMINAL 1
Kuha ni Ricky Brozas

 

Mahigit isang linggo bago ang kuwaresma ay dagsa na sa mga bus terminal sa Cubao sa Quezon City ang mga pasahero.

Karamihan sa mga pasahero sa Araneta bus terminal ay papauwi ng Samar at Leyte para doon magbakasyon at gunitain ang Semana Santa.

Gayunman, nagkuwento ang isa sa mga pasahero na si Aling Editha Suarez na tumaaas na ang pamasahe sa aircon bus patungo sa bayan ng Bato sa Leyte.

Kuha ni Ricky Brozas

Ang dating P1,500 one way na pamasahe ay P1,600 hanggang P1,700 na ngayon.

Inaagahan umano nila na umuwi ng probinsya para hindi na maabala sa pagdami pa ng pila ng mga pasahero habang nalalapit ang Holy week.

Samantala, punuan na rin ang mga bus sa mga terminal sa Pasay City kung saan dagsa na rin ang mga pasahero.

Wala pa namang namamataan na pulis na nagbabantay sa mga nabanggit na terminal.

Read more...