Mga beach resort, iinspeksyunin ng Philippine Coast Guard

BORACAY
INQUIRER FILE PHOTO

Magsasagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard sa mga beach resort ngayong inaasahan na dadagsa na naman ang mga tao dahil sa summer season.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, bahagi ng kanilang gagawing recreational safety inspection ay kung may mga sapat na signages, lifeguards at mga warning o paalala para sa kaligtasan ng mga maliligo sa dagat.

Nais ng PCG na nakasulat din ang paalala sa mga local dialect para mas madaling maunawaan ng publiko.

Ikinakasa na rin ng PCG ang training sa mga lifeguards.

Sa tala ng PCG, tuwing panahon ng summer ay tumataas ang bilang ng mga nasasawi sa pagkalunod.

Ngayong taon, mula Enero hanggang Pebrero ay nasa 31 na ang nasawi sa pagkalunod.

Read more...