Mga nakumpiskang bangka na iligal na nangingisda sa kanilang teritoryo pinasabog, pinalubog ng Indonesia

 

Inquirer.net/AFP

81 mga sasakyang pandagat na nahuli at kinumpiska ng Indonesia na iligal na nangingisda sa kanilang karagatan ang pinasabog ng mga otoridad, Sabado.

Personal na sinaksihan ng Indonesian Minister of Maritime Affairs ang pagpapasabog at pagpapalubog sa ilan sa mga naturang mga bangka na isinagawa sa 12 magkakahiwalay na lugar sa Indonesia.

Ilan sa mga pinalubog na mga bangka ay nagmula sa Pilipinas.

Ang iba ay nagmula sa mga bansang Vietnam, Malaysia at Thailand.

Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 317 ang bilang ng mga nakumpiskang dayuhang sasakyang pangisda ang pinasabog at pinalubog ng Indonesian authorities simula noong 2014.

Sa pamamagitan ng hakbang nais igiit ng Indonesia ang kanilang soberenya at pinaigting na kampanya kontra iligal na pangingisda ng ibang bansa sa kanilang teritoryo.

Read more...