Ilang miyembro ng ‘Coldplay’ nasa bansa na

 

Mula sa IG/coldplay_ph

Dumating na sa Maynila ang dalawa sa mga miyembro ng British band na Coldplay.

Sinalubong ng fans sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA sina Chris Martin at Phil Harvey.

Nakatakda ang concert ng Coldplay sa April 4, sa Mall of Asia o MOA Grounds, sa Pasay City.

Ang concert ay bahagi ng “A Head Full of Dreams” world tour ng banda.

Inaasahan naman ng Filipino fans na kakantahin ng Coldplay ang ilan sa mga sikat na awitin nila tulad ng “Yellow”, “Fix You”, “Viva La Vida”, at “The Scientist.”

Read more...