Ilang pulis at mga dating adik, kabilang sa “Washing of the Feet” na pangungunahan ni Cardinal Tagle

 

Huhugasan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga paa ng labing dalawang tao, kabilang na ang ilang dating adik sa ilegal na droga at ilang pulis sa Huwebes Santo (April 13).

Gaganapin ang ‘Washing of the Feet” dakong alas-singko ng hapon ng Holy Thursday, sa Manila Cathedral, lntramuros.

Bago ito ay pangungunahan muna ni Cardinal Tagle ang isang misa.

Bukod naman sa ilang dating drug addicts at pulis, kabilang pa sa huhugasan ng mga paa ay drug surrenderers, ilang opisyal ng pamahalaan, volunteers at ilang kaanak ng mga biktima ng extra judicial killings o EJKs.

Tuwing Huwebes Santo, kadalasang hinuhugasan ng mga pari ang mga paa ng labing dalawang tao o paggunita sa labing dalawang apostoles ni Hesu Kristo.

Nauna nang kinondena ni Cardinal Tagle at iba pang mga opisyal ng simbahan ang resulta ng war against drugs ng administrasyong Duterte, na sinasabing kumitil sa buhay ng aabot sa pitong libong indibidwal.

Dahil dito,hayagan ang pagpapasaring ni Pangulong Rodrido Duterte sa mga taga-simbahan.

 

Read more...