Duterte, nagbigay ng kundisyon kapalit ng bilateral ceasefire agreement

 

Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpirma ng bilateral ceasefire deal kasama ang Communist Party of the Philippines – National Democratic Front kapalit ng ilang kundisyon.

Ayon sa pangulo, dapat munang itigil ng mga rebeldeng grupo ang pangingikil, pagkokolekta ng revolutionary taxes at palayain ang mga hawak na bihag ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Duterte ang mga naturang kundisyon bago ang pagpapatuloy ng ika-apat na round ng peace talks sa Noordwijk, The Netherlands.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais ni Duterte kahit apat man lang sa mga kundisyon ang magawa ng mga komunistang grupo bago tuluyang pirmahan ang kasunduan.

Utos aniya ng pangulo sa government panel na ulitin ang mga kundisyon ng bilateral ceasefire agreement.

Kamakailan, matatandaang hindi tinuloy ng CPP-NDF ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire matapos ianunsiyo ni government chief negotiator Silvestre Bello III na hindi tutugon ang pamahalaan dito.

Read more...