Nilinaw ni European Union (EU) ambassador to the Philippines Franz Jessen na hindi iginigiit ng samahan ang kultura ng Europa sa pagpapahayag ng pag-aalala sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Kaugnay ito ng mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikialam ang EU sa bansa.
Ipinunto ni Jessen na ang Pilipinas, bilang signatory sa 27 United Nations (UN) conventions ay kailangan nitong sumunod sa mga naturang international commitments kabilang na ang may kinalaman sa karapatang pantao.
Nanatili ang EU, sa pinakamalaking exporting partner ng bansa kung saan aabot sa 900 million o 17.5 percent ng kabuuang exports ng Pilipinas.
Siniguro ng EU na kahit na may mga pag-aalala ay nanatili itong nakatuonsa mga proyekto nito sa Pilpinas na may kaugnayan sa health sector, law enforcement, peace process, environment, disaster risk reduction at regional development partikular na sa Mindanao.
Nakapagtalaga na ang EU ng 17 billion pesos na grant money para pondohan ang mga development programs ng bansa bilang pagkilala sa bansa na isa sa pinaka matagal at pinakamalapit na diplomatic partner.