Iginiit ni Armando ‘Ka Mando’ Jacinto, tagapagsalita ng NPA Rosario Lodronio Command sa Sierra Madre, walang namatay o nasugatan sa panig ng mga rebeldeng komunista.
Maliban dito, sinabi rin ni Jacinto na limang sundalo ang nasawi at isa ang lubhang sugatan. Taliwas ito sa ulat ng militar na dalawang sundalo ang namatay sa bakbakan, at dalawa pa ang sugatan.
Ipinahayag naman ni Lt. Colonel Randolph Cabangbang, komander ng 80th Infantry Battalion ng Army, na hindi idinedeklara ng NPA na patay ang kanilang myembro maliban na lamang kapag narekober na ang bangkay nito.
Nanindigan din si Major General Rhoderick Parayno, komander ng 2nd Infantry Division, ang kumpirmadong ulat ng militae na 10 ang namatay sa panig ng NPA.
Noong Huwebes, tinatayang 30 rebelde ang nakasagupa ng militar sa Barangay Lamutan.