Michael Martinez, pasok na sa 2018 Winter Olympics

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Pasok na sa 2018 Winter Olympics ang Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez matapos makapasok 2017 World Figure Skating Championships sa Helsinki, Finland.

Nakakuha si Martinez ng kabuuang score na 196.79, kung saan nagtapos siya sa 24th place sa free skate round sa Hartwall Arena.

Sapat na ito para makapasok sa gaganaping Winter Games sa PyeongChang, South Korea.

Si Martinez ang kauna-unahang figure skater na mula sa Southeast Asia na lumaban sa Winter Olympics.

Susunod na sasabak si Martinez sa 2017 Asian Open Trophy at sa Southeast Asian Games sa darating na Agosto.

Read more...