FEU, panalo kontra NU sa UAAP Season 79 women’s volleyball

Photo by Tristan Tamayo/INQUIRER.net
Photo by Tristan Tamayo/INQUIRER.net

Panalo ang Far Eastern University kontra National University sa score na 25-21, 25-21, 25-22 sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Tamaraws na may record ng 7 wins at 6 losses.

Ayon kay FEU Assistant Coach Arielito Canlas, ang kanilang panalo laban sa Lady Bulldogs ay nagpalakas ng morale ng kanilang koponan.

Nasa ikalimang pwesto na ang FEU habang ang NU ay nasa ikaanim na pwesto sa kompetisyon.

Sunod na makakalaban ng FEU ang University of the Philippines sa torneo.

Read more...