Mga adik na kriminal bawal sa Nueva Ecija rehab center

Drug Rehab
Inquirer file photo

Hindi tatanggapin ang mga drug addicts na mayroong criminal record sa itinayong drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, kailangang suriin ang mga sumukong drug addcits upang makita kung maaari silang ilipat sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay.

Paliwanag pa ni Ubial, hindi tipikal na rehab center ang tinaguriang pinakamalaking drug rehab center dahil isa itong prefabricated structure.

Aniya pa, ang mga boluntaryong sumukong drug addicts lamang ang tinatanggap bunsod ng mga isyu sa seguridad.

Samantala, mayrooong kapangyarihan ang lokal na korte na maglabas ng kautusan na paglipat ng isang drug addict sa naturang pasilidad.

Read more...