Dating South Korean president, arestado sa kaso kaugnay sa kurapsyon

Park-Geun-Hye_2491647b
AP

Arestado ang napatalsik na South Korean president na si Park Guen-hye kagabi matapos aprubahan ng korte ang arrest warrant laban dito.

Sakay ng isang itim na sedan, dinala si Park sa Seoul Detention Center dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kurapsyon.

Pagkadating sa detention center, agad na nirehistro ang pangalan at ID number ng dating lider, dumaan sa health checkup at iniwan ang mga personal na kagamitan kasama ang mga hairpins sa kaniyang tatak na “bun” hairstyle.

Ayon sa hindi nagpakilalang opisyal ng piitan, nagpalit rin agad ng light-green prisoner shirt si Park at kinulong sa selda nito.

Dagdag pa nito. mayroong telebisyon, banyo, lababo, lamesa at kutson sa 6.56 sq meter na selda nito.

Pagdadaanan din aniya ng dating lider ang mga ginagawa ng ibang bilanggo.

Samantala, inaasahan namang tatagal si Park sa piitan ng ilang buwan habang pinoproseso sa korte ang kaso nito.

Read more...