Scholarship scam ni dating Cong. Niel Tupas binisto ng sariling kapatid

niel-tupas
Inquirer file photo

Hindi magdadalawang-isip si Iloilo 5th District Rep. Raul Tupas na isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kapatid na si dating Cong. Niel Tupas Jr.

Sinabi ng mambabatas na hindi binayaran ng kanyang kapatid ang tuition ng kanyang mga scholar sa Northern Iloilo Polytechnic State College kaya hindi makaka-graduate ang mga ito ngayong taon.

Tumanggi kasi ang nasabing paaralan na ilabas ang mga school documents ng mga scholar ng dating mambabatas na mula sa mga bayan ng Ajuy, Estancia, Sara, Lemery Concepcion, Batad at Barotac Viejo.

Sinabi ni Tupas na umaabot sa P70 Million ang hindi binayaran ng kanyang kapatid na dating kongresista.

Hinamon rin ni Tupas ang dating mambabatas na sagutin ang mga akusasyon kung saan napunta ang pondo na dapat ay nakalaan sa edukasyon ng kanilang mga kababayan sa lalawigan.

Noong panahon ng eleksyon ay naging mainit ang away sa pagitan ng magkapatid na Tupas.

Nag-ugat ang kanilang iringan makaraang patakbuhin ni dating Cong. Niel Tupas Jr. ang kanyang misis para kalabanin ang nakatatandang kapatid na si Raul na siya namang nanalo sa nabanggit na halalan.

Read more...