Police Colonel na nahuling nagsa-shabu todo-tanggi na siya ay adik

Col. Shabu1
Inquirer photo

Galit na hinamon ni Philippine National Police Crime Laboratory Director C/Supt. Aurelio Trampe si Supt. Lito Cabamongan na patunayan na dinuktor ang resulta ng isinagawang drug tests laban sa kanya.

Si Cabamongan na pinuno ng PNP Crime Lab sa Muntinlupa City ay nauna nang inaresto ng mga tauhan ng Las Piñas City PNP sa isang pot session noong Huwebes.

Sa paunang pagsusuri ay nagpositibo siya sa pag-gamit ng shabu at otomatikong isasalang sa confirmatory test.

Pero sa kanyang pahayag sinabi ni Cabamongan na dinuktor ang resulta ng drug test kaya lumitaw na siya ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Sinabi naman na Trampe na mahihirapang makalusot sa asunto si Cabamongan dahil nahuli siya sa aktong gumagamit ng shabu.

Idinagdag pa ni Trampe na nakahanda silang muling ipasuri ang kinuhang urine sample mula sa opisyal para mapatunayan na walang mali sa kanilang isinagawang drug test.

Bukod sa kasong kriminal ay nahaharap rin sa administrative charges si Cabamongan na ngayon ay pansamantalang nasa floating status.

Read more...