Maagang nagsagawa ng lightning rally sa Mendiola, Maynila ang mga nagpakilalang miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army.
Mula sa harap ng Loreto Church sa Bustillos, Sampaloc nagmartsa ang nasa mahigit 100 kasapi ng NPA patungo sa Mendiola.
Ang pagkilos ayon kay Liliosa Sumilang, tagapagsalita ng grupo ay kaugnay sa matagumpay na ikalawang kongreso ng CPP simula ng matatag. Sinabi nito na ang naging kongreso ay patunay lamang na lalong lumalakas ang rebolusyunaryong puwersa.
Maganda anya ang nangyari sa kanilang kongreso dahil karamihan sa mga naluklok sa Central Committee ng CPP NPA ay mga kabataan dahil sa masisigla at mabibilis ang mga ito.
Sa tanong naman ukol sa ceasefire sinabi ni Sumilang na pabor sila dito para sa tuluyang pag-usad ng usapang pangkapayapaan. Matapos naman ang halos 20-minutong programa agad ding nilisan ng mga kabataang NPA ang bahagi ng Mendiola.