Si Cagas na nakakalaya ngayon dahil sa piyansa kaugnay naman ng murder case ng journalist na si Nestor Bedolido, ay nahaharap din ngayon sa two counts ng graft, two counts ng malversation at one count ng direct bribery.
Ang inirekomendang piyansa ng Ombudsman para kay Cagas ay 160,000 pesos kung saan tig-30,000 pesos bawat count ng graft, tig-40,000 pesos ang bawat count ng malversation at 20,000 pesos naman sa isang count ng direct bribery.
May labing-anim na iba pa ang kinasuhan kabilang ang umanoy pork barrel scam mastermind na si Janet Napoles at kanyang mga umanoy mga kasama ntong mga mamababatas at maging si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut.
Si Cagas ay nasa ikatlong termino na niya bilang gobernador ng Davao del Sur ay dalawang beses din inakusahan sa pag-allocate ng 8 million pesos mula sa legislative Priority Development Assistance Fund o pork barrel para sa mga ghost livelihood projects sa mga buwan ng January at February ng taong 2007.