Lalaki, kritikal dahil sa pananaksak sa Pasay City

PasayKritikal ang kundisyon ng isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang matagal nang kaaway sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Panganiban Jr., alyas Enan, 36-anyos, isang construction worker.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad lang umano ang biktima sa kahabaan ng Cadena de Amor St., kanto ng Carnation St., nang bigla na lang inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspect na si alyas ‘Toto’.

Matapos ang pananaksak, kaagad na tumakas ang suspek.

Sinasabing matagal nang may alitan ang dalawa dahil ang live in partner ngayon ng suspect ay dati namang kinakasama ng biktima.

Nagpapagaling naman na ngayon sa Pasay City General Hospital ang sinaksak na biktima.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang Pasay City Police para mahuli ang suspect.

Read more...