Jinggoy Estrada, humiling ng ‘furlough’ para sa ika-80 taong kaarawan ni Erap

jinggoy-estradaHumiling si dating senador Jinggoy Estrada ng dalawang araw na furlough para makadalo sa pagdiriwang ng ika-80 taong kaarawan ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa April 19.

Ipinaalala ni Estrada na pinayagan ang kanyang ama na noo’y ay naka-detain dahil sa kasong plunder na makalabas mula sa kanyang detention cell sa loob ng 36 oras para makadalo sa ika-99 taong kaarawan ng nanay ni Erap noong April 28, 2004.

Sa petisyon ni Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division kanyang sinabi na bihira sa isang tao na makapagdiwwang ng kanyang ika-80 taong kaarawan kasama ang kanyang buong pamilya.

Nakasaad sa naturang petisiyon ni Estrada na mapayagan siyang makalabas sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa loob ng 12 oras sa April 18 para makatulong sa paghahanda sa nasabing party at mula naman 5 p.m. ng April 19 hanggang 5 a.m. ng April 20 para naman makadalo na man sa pagdiriwang na aniya ay gagawin sa Maynila.

Matatandaang na noong taong 2014 ng sampahan si Estrada ng kasong plunder dahil sa umanoy maling paggamit ng 183 million pesos ng pork barrel funds.

Kasama rin niyang naka-detain sa Camp Crame sa Quezon City mula pa noong July 2014 si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na sinampahan din ng kasong plunder dahil sa umanoy maling paggamit naman ng 224.5 million pesos ng kanyang pork barrel.

Read more...