Sa isang inilabas na pahayag, kinumpirma ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na matapos hindi payagang makauwi mula sa North Korea, nasa biyahe na ang siyam na nasabing Malaysians.
Bukod dito, binanggit rin ni Razak sa kaniyang pahayag na papayagan na rin nila ang mga North Koreans na makalabas ng Malaysia.
Dahil kasi sa diplomatic row na namagitan sa Malaysia at North Korea matapos ang assassination sa kapatid ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Jong-Nam, nag-anunsyo ang dalawang bansa ng freeze sa mga departures.
Apat na Malaysian diplomats kasama ang kanilang mga kaanak ang naipit sa North Korea bunsod nito.
Nag-ugat ang hindi magandang relasyon ng dalawang bansa dahil sa hindi pagpayag ng Malaysia na dalhin ang katawan ni Kim Jong-Nam sa North Korea, at sa halip ay ipinagpatuloy pa ang autopsy na una na ring tinutulan ng North Korea.