NUJP, pinalagan ang naging tirada ni Duterte laban sa Inquirer at ABS CBN

nujp-logoPumalag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa naging mga tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa dalawang media company.

Ayon sa NUJP, malinaw na hindi ang Inquirer at ABS CBN ang bastos, kundi si Pangulong Duterte.

Malinaw din aniya na inaabuso ng pangulo ang kanyang napakalaking kapangyarihan bilang chief executive ng bansa.

Sinabi din ng grupo na hindi na nila aasahan na hihingi ng paumanhin si Duterte pero hindi mapipigilan ng pagmumura at maanghang na salita ang mga mamamahayag na gawin ang kanilang trabaho.

Sa isang talumpati, ay hindi napigilan maglabas ng sama ng loob si Duterte sa ilang media company.

Ayon sa pangulo, bastos, bias at hindi patas magbalita ang Inquirer at ABS CBN.

Maging ang may-ari ng Inquirer na Prieto family at Lopez family ng ABS CBN ay binanatan din ng pangulo kung saan tinawag niya ang mga ito na ‘oligarchs’ at mukhang pera.

Read more...