Mapalad namang walang naitalang nasaktan sa mga nasabing pag-atake na naiulat sa Police Regional Office-Eastern Visayas.
Unang umatake ang mga NPA sa detachment ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Barangay 1-A, bayan ng Motiong sa Samar, alas-2 pasado ng madaling araw ng Huwebes.
Makalipas ang nasa tatlong oras, sinugod naman nila ang isa na namang detachment ng CAFGU sa Brgy. Geparayan sa bayan ng Silvino Lobos, Northern Samar.
Patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga sundalo ang mga umatakeng rebelde.
MOST READ
LATEST STORIES