Tahasang minura ng pangulo ang Inquirer at sinabihan na bastos at kailanman ay hindi naging patas sa pagbabalita.
Ayon kay Jose Ma. Nolasco, Executive Editor ng PDI, simula pa 1985 nang itatag ang Inquirer, napanatili nito ang pinakamataas na pamantayan sa pamamahayag.
Sa kabila aniya ng matapang na paghahanap ng katotohanan, pinagsisikapan ng Inquirer na makuha ang panig ng kasalukuyang administrasyon sa anumang kontrobersiya.
Sa katunayan, ang Inquirer Opinion ay mayroong column na “View from the Palace” kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga Cabinet official na ipaliwanag ang mga polisiya ng administrasyon at maging ang personalidad ng pangulo.
Kanina sa isang talumpati, hindi napigilan ni Pangulong Duterte na maglabas ng sama ng loob sa ilang media outfits kabilang na ang ABS CBN.
Hindi rin nagpaawat ang pangulo sa isa pang event kung saan muli nitong minura ang Inquirer at ABS CBN.