Pilipinas at Amerika ‘friends’ pa rin ayon kay Pangulong Duterte

 

Inquirer file photo

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy pa rin ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ay kahit na gumaganda na ang relasyon ng Pilipinas at China.

Sa talumpati ng pangulo sa Peoples Day sa Socorro, Oriental Mindoro, sinabi nito na sa ngayon ay nasa ‘best level of friendship’ ang relasyon ng China at Pilipinas.

Katunayan ayon sa pangulo, tumaas na ang demand ng China sa mga produktong agrikultura ng Pilipinas.

Gayunman, bagamat kaibigan pa rin ang turing ng pangulo sa Amerika, sinabi nito na wala nang military alliance ang Pilipinas sa kanilang hanay.

Read more...