Paliwanag ni Alvarez, tama naman ang presidente na masyadong mahaba at matagal ang proseso kung idadaan pa sa korte ang mga kasong ito.
Mas praktikal din aniya ang aregluhan para mapakinabangan na ang pera para sa social services.
Unang pinaboran ni Duterte ang compromise deal sa tax case ng kumpanyang Mighty Corporation.
Pwede aniyang gamitin ang 3 bilyong pisong ibabayad nito sa gobyerno para sa pagpapatayo ng mga ospital sa Basilan, Sulu at Tondo.
Nauna nang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue o BIR at Department of Finance o DOF ng 9.6 billion tax evasion ang Mighty Corporation dahil sa umano’y paggamit ng pekeng excise tax stamps sa kanilang mga produktong sigarilyo.