Bomba sumabog sa Egypt. Cairo, inilagay sa red alert status

CairoInilagay sa full red alert status ang buong Capital ng Egypt makaraan ang naganap na pagsabog kanina sa isang commercial area sa Cairo.

Anim ang malubhang sugatan sa car explosion sa Shubra al-Khaima District kung saan ay lumikha rin ng malaking crater ang naging na pagsabog.

Ilang minuto makalipas ang pagsabog ay kaagad na inako ng mga militante mula sa Sinai Region ang pag-atake sa lugar.

Nagpakilala rin ang grupo bilang taga-suporta ng Islamic State Group kasabay ang banta na masusundan pa ang nasabing pag-atake.

Tinawag naman na isang uri ng terror attack ni Egyptian President Abdel Fattah Al-Sisi ang naganap na pagpapasabog sa Shubra al-Khaima District.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ng mga imbestigador ang profile ng suspect na nakitang bumaba sa isang lumang kotse bago ito sumabog makalipas ang ilang minuto. / Den Macaranas

Read more...