5 patay sa nasunog na motorboat sa Zamboanga

 

Nasawi ang lima katao, habang sugatan naman ang apat na iba matapos matupok ng apoy ang isang motorboat sa Zamboanga City.

Ayon kay Chief Insp. Clint Cha, nagkakarga ng langis mula sa isang tanker truck ang ML Satellite 1 sa Ben Go wharf sa Baliwasan nang mangyari ang aksidente Lunes ng gabi.

Kinukumpuni umano ng mga tripulante ang water pump ng motorboat, habang ang isa sa kanila ay tinetesting ang makina nito.

Nagkaroon ng spark sa ignition, na pinagmulan ng sunog.

Kinilala ang mga nasawi na sina Razdi Imlan, Manzul Abidin, at isang 15-anyos na si Sihdin Tingkahan na pawang mga na-trap sa lower deck ng motorboat.

Kasalukuyan namang nasa ospital ang mga biktimang nasugatan at nagtamo ng sunog sa katawan.

Read more...