Suspek sa bus shooting sa Las Vegas, isang Pinoy

 

Mula sa AP/Inquirer.net

Pinoy ang suspek sa pamamaril sa loob ng pampasaherong bus sa Las Vegas, Nevada noong nakalipas na Sabado na ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng isa pa.

Pinangalanan ng mga otoridad ang suspek na si Rolando Bueno Cardenas, residente ng Las Vegas, 55-anyos na nadakip matapos ang halos limang oras na standoff sa pagitan ng suspek at mga pulis.

Gayunman, wala pang inihahayag na posibleng motibo ang mga otoridad sa likod ng pamamaril ng suspek ngunit isinasantabi na ang anggulong terorismo sa insidente.

Nahaharap sa mga kasong open murder with with use of firearm, attempted murder with use of firearm, burglary while in possession of firearm at discharging a gun within a vehicle ang suspek.

Noong Sabado, habang nagbababa ng pasahero sa Las Vegas Boulevard South ang double-decker RTC bus ay bigla na lamang namaril ang suspek na noo’y nakasakay sa likurang bahagi ng sasakyan.

Tinamaan ang bala ang biktimang Australian na si Gary Breathing, 57-anyos na na agad na nasawi samantalang isa pang hindi kinilalang biktima ang nasugatan.

Kinailangan pang rumesponde ng mga tauhan ng SWAT at mga hostage negotiators bago napasuko ang suspek makalipas ang halos limang oras.

Read more...