Manila Science High School, bukas na ulit

 

Muling nagbukas kahapon ang Manila Science High School matapos ma-expose sa kemikal ang mga estudyante, guro at tauhan nito.

Ayon kay Manila schools division superintendent Wilfredo Cabral, wala naman sa dalawang estudyante, dalawang guro at isang janitor ang na-admit sa ospital dahil sa mga sintomas ng mercury exposure.

Nananatili namang maayos ang kalusugan ng mga estudyante at guro ng Manila Science High School sa kabila ng insidente.

Nagdesisyon nang magpapasok na muli ng mga mag-aaral kahapon dahil na rin sa mga tests ng East Avenue Medical Center kung saan lumabas na mas mababa na sa 200 nanogram parts per cubic meter ang mercury vapor sa paaralan.

Mananatili namang bukas ang paaralan hanggang April 7 para makapagsumite ng kanilang mga requirements ang mga mag-aaral.

Read more...