Marijuana, sinisilip na gawing gamot para sa mga drug addict

 

Sinisilip ng ilang doktor sa Amerika ang posiblidad na gawing lunas ang paggamit ng marijuana upang matigil ang pagkagumon ng mga adik sa ipinagbabawal na droga.

Sa High Sobriety clinic sa Los Angeles, USA, pinahihintulutan ang ilang pasyente na isinasalang sa rehabilitation dahil sa pagkagumon sa heroin na gumamit ng marijuana.

Sa ilalim ng konsepto, nais na mapatunayan ng naturang klinika na sa halip na maging isang ‘gateway drug’ ang marijuana, ay magamit ito bilang landas palayo sa ipinagbabawal na droga ng mga pasyente.

Ayon sa ilang staff ng naturang klinika, mas ligtas na gamitin ang marijuana kung ikukumpara sa heroin at iba pang ipinagbabawal na gamot na nakamamatay.

Samantala, ayon kay Dr. Mark Wallace , chairman ng Division of pain medicine ng Department of Anesthesia ng University of California, San Diego, may ilan na siyang pasyente na pinahintulutang gumamit ng marijuana upang mapaiwas ang mga ito sa mga opiates tulad ng heroin.
Gayunman, kanyang nilinaw na marami pang kailangang gawing pagsasaliksik upang lehitimong magamit ang naturang proseso sa mga drug dependents.

Read more...