Naglabas ng abiso ang Maynilad at Manila Water sa kanilang mga consumers na magkakaroon ng pansamantalang service interruption sa ilang mga bahagi ng Metro Manila at Rizal.
Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng maintenance activity sa kanilang pumping station sa Pasay City.
Dahil dito, hihina o mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Pasay City, Parañaque at Las Piñas.
Magsisimula alas-10:00 ng gabi ng March 28 hanggang alas-4:00 ng hapon ng March 29 sa mga susunod na lugar sa Las Piñas:
– BF International Village (CAA)
– Daniel Fajardo
– Elias Aldana
– Playa
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos
Alas-10:00 ng gabi ng March 28 naman magsisimula hanggang alas-8:00 ng gabi ng March 29 makakaranas ng pag-hina ng tubig ang mga sumusunod na lugar:
Pasay:
– 10-13
– 24-32
– 38-40
– 76-79
– 145-179
– 181
– 183-199
Parañaque:
– Baclaran
– BF Homes
– Don Galo
– La Huerta
– Moonwalk
– San Dionisio
– San Isidro
– Sto. Niño
– Tambo
– Vitalez
Ayon pa sa Maynilad, maaring magkaroon ng delay sa pagbabalik ng water supply depende sa taas ng lugar, layo nito mula sa pumping station, o kaya sa dami ng gumagamit ng tubig.
Sa abiso naman ng Manila Water, makakaranas ng water service interruption ang kanilang mga customers sa East Zone dahil rin sa maintenance works.
Mula March 28 alas-10:00 ng gabi hanggang March 29 ng alas-6:00 ng umaga, makakaranas ng mahina o kawalan ng tubig ang mga consumers sa Baras, Rizal dahil sa pipe maintenance.
Partikular na maaapektuhan sa Baras, Rizal ang mga barangay Rizal, San Jose, San Salvador, Santiago, Mabini, Concepcion, San Juan at San Miguel.
Mula naman March 29 ng 11:30 ng gabi hanggang March 30 ng 4:00 ng umaga, mawawalan ng supply ang ilang bahagi ng San Vicente sa Quezon City dahil sa step testing.
Dahil naman sa valve installation, mawawalan ng supply ang ilang bahagi ng Batiis at Kabayanan sa San Juan City mula alas-9:30 ng gabi ng March 29 hanggang alas-6:00 ng umaga ng March 30.
Mula naman 9:30 ng gabi ng March 30 hanggang 4:30 ng umaga ng March 31, maaapektuhan ang ilang bahagy ng Pinyahan at Central sa Quezon City.
Maaapektuhan naman mula alas-10:00 ng gabi ng March 30 hanggang 4:30 ng umaga ng March 31 ang ilang bahagi naman ng Barangay Onse at Sta. Lucia sa San Juan City.
Samantala, mula naman 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon ng March 30, maaapektuhan ng line maintenance ang supply sa mga Barangays Dolores at San Isidro sa Taytay, Rizal.
Pinapayuhan ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga consumers na mag-ipon ng sapat na tubig para sa nasabing water service interruption.