Sinopla ng Chairman ng House Committee on Housing and Urban Development ang hirit ng mga miyemro ng grupong Kadamay na tumira ng libre sa inokupa nilang housing units sa Bulacan.
Giit ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, dapat magbayad pa rin ang mga ito sakaling payagan na silang manatili doon.
Paliwanag pa ni Benitez, wala namang libreng pabahay ang National Housing Authority o NHA kundi abot-kayang pabahay na programa lamang.
Pinagsabihan naman ng kongresista ang NHA na baka ma-technical malversation kung basta-bastang ibibigay sa Kadamay ang housing units na para sana sa mga sundalo’t pulis.
Inilabas ni Benitez ang pahayag kasunod ng desisyon ng ahensya na huwag na munang paalisin ang mga miyembro ng Kadamay at sa halip ay isailalim sa profiling process para maging benepisyaryo ng housing units.
Kasabay nito, aminado ni Benitez na mabigat na ang housing problem sa Pilipinas na nasa 6 Million ang backlog at posibleng pang umabot ng 7 hanggang 8 Milyon kung hindi aagapan ng pamahalaan.