Yan ang mensahe ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga umano’y nagbabalak na magpatalsik sa kanya bilang lider ng Mababang Kapulungan.
Ito’y kasunod ng kanyang hakbang na paimbestigahan sa Kamara ang mga transaksyon ng gobyerno sa kumpanya ni Davao Del Norte Rep Antonio Floirendo Jr.
Inireklamo na rin nito ang kongresista sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y pagkakaroon ng illegal business interest habang nagsisilbi bilang halal na opisyal.
Pero deklarasyon ni Alvarez, wala naman siyang ambisyon kaya handa siyang umalis sa posisyon anumang oras.
Aniya pa, ang pagkakaibigan nila ni Floirendo ay nagtatapos kung saan ang interes naman ng bansa ay mag-uumpisa.
Lumulutang ang pangalan ni Floirendo sa mga nagbabalak daw na magpatalasik kay Alvarez at si Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo ang sinasabing ipapalit sa kanya.
Nauna nang pinabulaanan ni CGMA ang tungkol sa balita at sinabing hindi siya interesado sa speakership position.