Kongresista inabswelto ng Sandiganbayan sa kaso ng katiwalian

sandigan-bayan-building-facade
Inquirer file photo

Ibinasura na ng Sandiganbayan 7th division ang kasong katiwalian laban kay South Cotabato Rep. Pedro Acharon Jr.

Ang kaso ni Acharon ay nag-ugat noon pang alkalde siya ng General Santos City.

Nauna nang inakusahan ng prosekusyon na lumabag sa batas si Acharon dahil binigyan nito ng travel authority ang mga miyembro noon ng Sangguniang Panglungsod na sina Jose Orlando Acharon at Minda Atendido.

Bumiyahe sina Acharon at Atendido patungong Los Angeles, California noong June 9 hanggang 16, 2006 para dumalo sa isang dinner show at festival kasunid na rin ng imbitasyon ng Filipino community.

Pero salungat umano ito sa kautusan ng noon ay kalihim ng DILG na nag-disapproved ng biyahe ng dalawa.

Unawarranted benefits din daw ang ibinigay ni acharon sa dalawang Sangguniang Panglungsod members.

Subalit ayon sa korte, bigo ang prosekusyon na patunayan ang bintang na ito kay Acharon.

Dahil dito, pinababalik ng korte sa kongresista ang kanyang cash bond at lifted na rin ang Hold Departure Order (HDO) laban sa kanya.

Read more...