Kaagad na ibinasura ng Korte Suprema ang disbarment case na isinampa laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng isang natalong senatorial candidate.
Sa en banc session ng Supreme Court ay kanilang sinabi na kulang sa merito ang inihaing reklamo kaya ibinasura nila ang manipestasyon ni Greco Belgica laban sa Ombudsman.
Magugunita na sa 12-pahinang reklamo ng dating konsehal ng Maynila ay iginiit nito na nilabag ni Morales ang lawyer’s oath at canon of professional responsibility nang ibasura nito ang kasong graft at technical malversation na isinampa laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Sinabi pa ni Belgica sa kanyang reklamo na ang naging aksyon ni Morales ay malinaw na pagkiling sa dating pangulo na siyang nagtalaga sa kanya sa puwesto.