Ambassador ng China, niregaluhan si Pangulong Duterte ng painting para sa kanyang kaarawan

PAINTING FROM CHINA
Malacanañg photo

Painting ang naging regalo ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-72 kaarawan.

Iniabot ni Zhao ang regalo sa kanyang pag courtesy call kahapon sa pangulo sa Panacan, Davao City.

Nakaguhit sa painting ang mukha ng pangulo kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty.

Isa pang painting ng ang ibinigay na regalo ng Chinese ambassador sa pangulo.

Inabot din ng chinese official ang liham na nag iimbita kay Pangulong Duterte na muling bumisita sa China para dumalo sa ‘One Belt, One Road’ summit sa buwan ng Mayo.

Read more...