Ayon kay Angara, siya ang kumilos para maamyendahan ang bagong SPES law noong nakaraang Agosto para mapalawak ang sinasakop ng batas at mabigyan din ng oportunidad ang mga out of school youth na kumita at makabalik sa eskuwela.
Dagdag ng senador, na vice chairman ng Senate labor committee, na itinaas din sa RA 10817 ang sakop na edad ng programa mula sa dating hanggang 25-anyos, ay ginawa na itong hanggang 30-anyos.
Pinalawig din ang SPES employment period mula 52 araw hanggang 78 araw o tatlong buwan.
Ang 60 percent ng suweldo ng SPES beneficiaries ay sasagutin ng kumpanyang papasukan, habang ang 40 percent ay magmumula naman sa gobyerno.
Kabilang sa maaring maging trabaho sa ilalim ng programa ay food service crews, office clerks, gasoline attendants, cashiers, sales ladies, promodizers, maging sa clerical, encoding, messenger, computer at programming jobs.